HOME      CONTACT US
Chic A La Mode Health and Fitness Travel Home Improvements   Inspirational Stories  Flower Hunt Craft Bug Poetic Murmurings Varied Themes

Thursday, June 11, 2009

Napadaan lang

napada-an lang was written by a friend. i fell in-love with it the after reading it. i asked her permission to lift this one from her friendster blog, sa gilid ng bangin, as an offering to this new home of salitype society.



Hindi akin, hindi sa yo,
lahat ng ito, o iyon, o kahit ano;
dumadaan lang, dumadaloy,
walang maaangkin dahil hiram lahat.
- napadaan lang.

Wag mong tibayan ang kapit
lilipas ang lahat.
Wag mong akalaing mayrong matitiyak.
Wag mong isiping matibay ang hawak.
Nagbabago ang lahat.
-napadaan lang.

Matapang ka ngayon
kala mo sa ‘yo ang mundo
bukas papatagin ito ng mga pagsubok,
iyuyuko ka rin ng pagkatalo.

Kaya sana pilitin mo-
makita- na dumadaloy lang tayo;
kasabay ng hangin, ng alon,
ng araw na sumisikat at lumulubog sa takdang panahon.
May hangganan ang lahat
malayo man o malapit;
may dulo, may wakas.

Sa huli-
Anong maiiwan,
anong babaunin?

Sana pag-ibig,
sana yun lang;
habang tayo’y
-napadaan lang.

by
baby-amoroso


image taken from joy of simple life and poem from carmen's blog with permission of both owner.

17 comments:

  1. ah carmen, i love this piece…sapol na sapol. kung baga sa nude painting ay napakaganda sa kanyang kahubaran!

    ano nga bang maiiwan at anong babaunin…

    nais ko sanang maiwan ay masayang ala-ala kahit pa-comment-comment lang sa blog at baunin habang buhay ay pagkakaibigang sana’y lumawig sa kabila ng pagiging magkahiwalay(contradicting ano, ako rin naguluhan e!!)

    ReplyDelete
  2. Tama ka Carmen, lahat tayo ay manlalakbay. . . mas magaang ang dalahin… mas mabilis ang paglalakbay. Travel light is what they say. . . Everything passes away… prestige, honor . . . fame. . . but friendship lingers! Good company is what will make this journey called life, worth our while. . .

    We miss you Kurdapya! :)

    ReplyDelete
  3. Carmen, where are you? Miss you. Anyway, I really love this poem Carmen, so true, everything passes, but let let not the love in our hearts be blown by the wind and be carried by the rushing water, let the love and the inspiration to live and love hold strongly into our hearts.

    ReplyDelete
  4. Carmen... Habibi ko, nasan ka na? di pa ba tapos ang paglalakbay mo? pahinga ka na sis sa kandungan ng mga kaibigang nagmamahal sayo... andito lang kami, tama ka lahat tayo ay nagdadaan lang sa mundo... lahat ay may hangganan.. may katapusan... pag natapos na ang paglalakbay, sasabihin mo... "ah.. oo nanduon ako... narating ko... at bumalik ako... sa puso mo..." Carmencita! panalo to! ;) mishu girlash!

    ReplyDelete
  5. Kurdapya asan ka na?

    Andito kaming lahat nag aantay sumabay sa iyong paglalakbay...

    Dumadalaw ako sa gilid ng bangin, di kita makita....

    Na mi miss ko na ang iyong mga kataga...

    ReplyDelete
  6. carmen, what a haunting poem, and how true your words are! we are definitely just passing through this world, this life ... and in the sunset of our years, golden memories and true love are the only things we really will be left with (if God blesses us with them). so i guess the challenge is to make the most of every moment we are given. your poem was definitely an eye-opener.. thank you for it! i'd also like to thank beth for sprucing up this poem with the picture of khai walking down that lovely tree-lined road .. what a fitting photo for such a beautiful poem!!

    like everyone else, i miss you, carmen:( it's just not the same here at the salitype mansion without you. i hope and pray you come back to us soon, kurdapya ..

    ReplyDelete
  7. baka kung maghintay pa ako hanggang sa umaliwalas ang lahat...hanggang sa may maganda na akong balita...hanggang sa may ngiti na muli sa aking mukha...ay matagalan pa bago ko kayo makasamang muli...

    kaya't heto...mahal kong mga kaibigan...ipinaabot ko ang aking paumanhin sa mahabang pananahimik...naipit lang po sa magulong sitwasyon...waring nahulog sa bangin...kahit hindi kko pa makita ang liwanag sa dulo ng pasilyo...alam kong...katulad ng lahat...ito ay lilipas din...

    hindi ko po kayo nakakalimutan...hindi ako nawawala...buhay pa po ako...nagpapahinga lang...naghihintay kusang humupa ang bagyo...gayun man...labis-labis ko rin kayong pinanabikan...i missed you all too much...

    ms. eng...salamat sa pagpublish ng tulang ito...isa ito sa pinaka paborito kong akda...at oo, katulad mo'y hanggad ko ang ating pagsasama sa kabila ng ating pagkakalayo...i'd never go far dear friend...

    tesya...salamat sa emails po...hindi ko nabasa yung sa yahoo...ingat ka po sa byahe mo pauwi sa pinas...make it a "hakuna matata days" (worry-free days)...enjoy the trip!

    betchai...napaganda ng complimentary pix na isinama sa post na ito...it has accentuated the theme even more...thanks din sa comment sa facebook...di naman ako active duon...except that some lost friends surfaced and called my attention...i am still a big fan of your genius in photography...believe it or not i am reading all of my salitype's blogs and post sa mansion (maybe not all pala)...kaso lang talagang para akong naka-mute...di ko alam sasabihin...pero everytime i read and see all your works buddies...i feel proud...i' join you really soon po sa anu mang ating pagsasaluhan...

    habibi maricar...naiyak po ako..."babalik ako...i will find my way back....susukob ulit sa init ng pagmamahal ninyo...ayan...na mental-block na ko...nabulunan na kakaiyak...(teka sisinga muna ko)...

    kulasa...i miss my life "sa gilid ng bangin"...tulad mo...lagi din ako tumarambay duon...sorry po kung naparalisa po ata meantime ang creative abilities ko...sana tumapang po ulit ako...at mangahas na muling magtangkang umusal ng mga katotohanang natatanaw mula sa aking sulok...sana po...

    mj...i am so proud of your "lupang hinirang..."...at galingan mo po sa pagdeliver kay tiny....alam ko in a few days nalang yun...you're such a bright spirit po...stay that way...

    at this point sama ko na sa pag thank you si chay...na anlakas ng katok sa room ko...sorry kalachuchay...i was into deep slumber....but i heard you dear friend...and i missed you even more...

    sa kakambal-tuko ko na si choi...sorry di na ko nakasagot sa happy mother's day's greet mo...nilumot na kasi utak ko...dati na ngang green...now naagnas na ata ng tuluyan...

    kay boyet...sa harana mo na walang kwenta...not everything is well sir...kaya po di na ko nakasagot...

    at sa lahat ng miembro ng baranggay po...cher...sissy...jonie...
    che...kulasisa...bentot...jonas...
    at iba pa...i missed all our fun po...hello nalang muna at God bless!

    guys...you are my home...and there's not a moment that i've forgotten how you've filled me with love...and i wont ever...

    salamat sa pagmamahal...

    mahigpit na yakap po sa lahat!

    d2 lang muna po sa tabi-tabi...

    kurdapya

    ReplyDelete
  8. hi kurdapya! so glad to hear from you! nasaan ka man, andito lang kami lagi naghihintay sa iyong pagbabalik bilang tagapagpatawa ng TSS. kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, you are always in our prayers... take care always!

    ReplyDelete
  9. Kurdapya, am so glad to hear from you! Please be assured of our prayers with whatever you are going through right now. Nandito lang kame. . . your friends...your home. Please keep in touch whenever you can. Hugs and kisses to you girl!

    ReplyDelete
  10. Kahit kelan ka grand entrance ka Kurdapya ! You made my Sunday morning more beautiful when I saw you came by and checked in !

    We miss you !

    ReplyDelete
  11. Carmen, masayang masaya ako na hindi lang kita nakita sa "followers" list, kundi nadinig pa. na-i-intindihan kita Carmen, sana, ma-akap man lang kita habang ikaw ay nakatingin sa malayo habang nakaupo sa gilid nang bangin. glad to see you back Carm.

    ReplyDelete
  12. i read this poem more times that i can remember since i first have the privilege of reading it on your blog...sa gilid ng bangin.

    i also read the comments here for the nth time already to give me comfort that you are not that far away. there are very few people i come across in the blogosphere that leaves an indelible mark in my life because there's something in them that dwells in harmony with my being...you happen to be one of them.

    unfortunately for them and you...ha!ha!ha! i don't give up easily when i find such treasures. i keep them close in my heart where they mattered most.

    missing you, kurdapya........

    ReplyDelete
  13. misssss yooooouuuuuu kurdapya......ilang lechon ba ang inihain? ilang keso de bola? tutulungan ka naming kainin, hanggang sa wala nang matirang luha...hanggang bumalik muli ang iyong malikhaing tinig...hanggang sa iyong pagbabalik, dito ako, makikinig...

    ReplyDelete
  14. eng...it was more than a year....the heck!...it seemed a lifetime...tama na yun!

    "padaan po ulet..."

    i missed you...beyond belief!

    i love you...

    i love you all dear ones

    d2 lang po...finding my way back...

    kurdapya

    ReplyDelete
  15. hey, Carmen, so glad to see you back here, so glad you passed by here again, miss you too, miss that contagious smile, and zest to life.

    ReplyDelete
  16. betchai...salamat sa mainit na yakap habang ako'y nakatingin sa malayo...sa gilid ng bangin...

    kaso dear friend wala ako sa gilid...ako ay nahulog (ploink!)...at eto po...umaahon ule (parang si sadako po)...winks buddy...pag sinabi ko ganu kita, kayo.. nami-miss...mapupuno space
    dito...wala na makakapag-post...

    ay sori...bawal dito magkalat no?...sige po behave ako...promise po ng bonggang bongga!

    winks, hugs and kisses dabarkads!

    ReplyDelete
  17. okay lang kurdapya, tagal mo namang di nakakakalat dito, eh bumabawi ka lang naman. salamat naman at kahit dahan-dahan ay uma-ahon ka, minsan naman talaga nahuhulog tayo, nanaginip ako kagabi na nahulog ako :(

    ay, so glad to hear from you here, will let everyone know.....dumada-an ka pa ba sa Facebook? pano kasi hindi na ata karamihan dumada-an sa Friendster :( lumipat na sa Facebook, haha

    ReplyDelete

THANK YOU SO MUCH!!! YOUR VISIT AND COMMENTS ADD HAPPINESS AND INSPIRATION TO US. PLEASE DO VISIT US AGAIN.

THE SALITYPE SOCIETY

#navbar-iframe { display: none !important; }